Kinumpirma ng National Electrification Administration – Disaster Risk Reduction and Management Department na umakyat na sa 11 Electric Cooperatives na kinabibilangan ng QUIRELCO, ABRECO, BENECO,NEECO II-Area 1, MARELCO, TELCO, FICELCO, AKELCO, NONECO, SAMELCO 1 at LEYECO 5 ang lubhang napinsala ng Bagyong Kristine.
Ayon sa pinakahuling ulat ng NEA – Disaster Risk Reduction and Management Department, umabot sa 74 electric cooperatives mula sa 48 lalawigan at 12 rehiyon ang nagkaroon ng aberya dahil sa bagyo.
Paliwanag pa ng NEA, aabot naman sa mahigit P12 million ang halaga ng pinsala sa mga electric cooperative sa mga rehiyon na sinalanta ni Bagyong Kristine.
Nabatid na 45 ECs ang nakararanas pa rin ng partial power interruptions habang 26 ECs ang nasa normal operations o 515 na munisipalidad mula sa 897 na kabuuan nitong bilang.