11 empleyado ng DFA Consular Office-NCR East, nagpositibo sa COVID-19; operasyon ng tanggapan, isasara ng limang araw

Aabot sa 11 empleyado ng Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa SM Megamall ang nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, pansamantalang ipinatigil ang operasyon simula Setyembre 6 hanggang 10.

Sa nabanggit na araw, isasailalim sa disinfection ang apektadong lugar gayundin ang pagsunod sa isolation at quarantine guidelines na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at ng Department of Health (DOH).


Tiniyak naman ng DFA na lahat ng affected applicants ay hindi dapat mag-alala dahil tatanggapin sila sa DFA-Aseana para sa kanilang schedule.

Padadalhan ang mga ito ng abiso sa kanilang e-mail para sa alternative passport appointment slot.

Facebook Comments