Cauayan City, Isabela- Matagumpay na nakiisa ang Special Operations Unit 2- Regional Drug Enforcement Unit (SOG-RDEU2) kasama ang Regional Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit 2 (RECU2) sa sabay-sabay na pagtatalaga ng mga Narcotics Detection Dogs sa mga Seaports at Public Terminals sa buong bansa.
Ayon kay Police Colonel Pedro Martirez, hepe ng RDEU2, napakalaking tulong ang mga Narcotics Detection Dogs para sa pagsawata sa iligal na droga na problema ng bansa.
Dahil dito, ipagpapatuloy ng PNP-SOU ang paggamit ng K9 units sa kanilang mga anti-illegal drugs operation upang mapabilis ang pag detect kung may iligal na droga sa mga kargamentong itina-transport sa pamamagitan ng mga pampublikong bus at transportasyong pandagat.
Nasa labing isang K9 dogs naman ng SOU 2 ang kasalukuyang ginagamit sa anti-illegal drugs operations sa buong rehiyon dos at inaasahan pang madadagdagan ang mga ito.
Ang isang K9 Dog ay nagkakahalaga ng umaabot sa P200,000 hanggang P300,000.
Ang Simultaneous launching ng Narcotics Detection Dogs ng PNP Special Operations Unit sa Lambak ng Cagayan ay hakbang para agad na matukoy ang mga ipinapasok o biyaheng kargamentong may nilalamang droga.