11 Katao sa Isabela, Arestado sa Hiwalay na Operasyon ng Pulisya

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 11 katao sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Probinsya ng Isabela.

Nakilala ang akusado na sina John Paul Balite, 35-anyos, isang photographer at residente ng Brgy. San Miguel sa Bayan ng Ramon na nahaharap sa kasong Estafa at may inilaang piyansa na nagkakahalagang P16,000; Albert Rosete, 20-anyos, may-asawa, isang helper at residente ng Bagumbayan, City of Ilagan at nahaharap sa kasong Robbery habang inirekomenda ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapgpiyansa ng halagang P40,000; Thomas Gabato, 49-anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Naganaccan, Cauayan City na nahaharap sa kasong Grave Threat at may inirekomendang piyansa a P1,000; Mark Ronquillo, 20-anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. Nagbukel, San Isidro at may kinakaharap na kasong RA 9262 at Simple Seduction at may inilaang piyansa ang korte na halagang P74,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.

Samantala, dinakip din ang iba pa na sina Turibio Ballesteros, 52-anyos, may-asawa, Top 2 Manhunt Charlie at residente ng Sitio Manalpaac, San Pablo, Cauayan City; Jetrix OJ Jimenez, 17-anyos, isang estudyante at residente ng Brgy. Anao, Cabagan at nahaharap sa kasog RA 9165 at inamyendahan ng batas na RA 10640 at may inilaang piyansa ang korte na halagang P200,000; Evelyn Cambas, 40-anyos, walang -asawa at residente ng Brgy. Laurel, Cordon at nahaharap sa kasong Falsification of Public Document at may piyansang P36,000; Cesar Cadundon, 65-anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. Gaddanan, San Mateo na nahaharap sa kasong RA 7610 habang walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kalayaan nito; Antonio Ambatali, 36-anyos, may-asawa, isang welder, Top 1 Most Wanted at Ernesto Dalupang, 35-ayos, Top 3 MWP para sa kasong Panggagahasa at kapwa residente ng Brgy. Santor, Reina Mercedes at Rodwell Deliva, 32-anyos, may-asawa, isang driver at residente ng Reyes Subdivision, Cabaruan, Cauayan City at nahaharap sa kasong RIR in Damage to Property at may piyansang P2,000.


Sa ngayon ay nasa kustodiya ng mga himpilan ng pulisya ang mga naarestong akusado para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments