11 lugar sa bansa, inirekomendang isailalim sa mas mahigpit na quarantine level

Inirekomenda ng UP OCTA Research Team na maisailalim sa mas mahigpit na quarantine classification ang siyam na lugar sa bansa.

Sa report na inilabas ng mga eksperto, lumalabas na siyam na lugar ang maikokonsiderang high-risk dahil mataas na kasong naitatala rito ngayong linggo.

Kabilang rito ang Benguet (kasama ang Baguio City); Davao Del Sur (kasama ang Davao City); Iloilo (kabilang ang Iloilo City); Misamis Oriental (kabilang ang Cagayan De Oro); Nueva Ecija; Quezon; Pangasinan; Western Samar at Zamboanga Del Sur (kasama ang Zamboanga City).


Kaugnay nito, inirekomenda rin ng mga eksperto sa national at local government na paigtingin ang testing, tracing at isolation sa mga nabanggit na lugar.

Facebook Comments