Nagpaalala ang Department of Health (DOH) na kailangan pa ring maging maingat ng mga residente sa Metro Manila dahil may ilang lugar pa rin na nagkakaroon ng pagtaas ng COVID-19 cases.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 11 lungsod sa National Capital Region (NCR) ang nagkaroon ng pagtaas ng Average Daily Attack Rate (ADAR) o ang dami ng mga bagong naitatalang kaso sa loob ng isa o dalawang linggo.
Habang tatlong lugar aniya ang binabantayan dahil sa pagtaas ng utilization rate sa mga Intensive Care Unit (ICU).
Sabi pa ni Vergeire, ang mga lungsod ng San Juan at Makati ay may pagkakataong nagpapatulong sa ibang Local Government Unit (LGU) kapag kinulang ng mga medical facility.
Facebook Comments