Mayroon nang 11 manufacturers ng self-administered antigen test kits ang naghain ng aplikasyon sa Food and Drug Administration.
Sinabi ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa kasalukuyan ay i-e-evaluate na ng FDA ang mga antigen test kits bago ipadala sa Research Institute for Tropical Medicine para sa performance validation.
Ayon kay Vergeire, posibleng tumagal nang dalang araw bago matapos ang validation sa isang test kits at saka ito ibabalik sa FDA.
Ibig sabihin aniya, ilalabas na ang registration o certification ng mga home administered test kits ng mga pumasa sa standards ng RITM at FDA sa loob nang pito hanggang sampung araw.
Facebook Comments