Umaabot na ngayon sa 11 mga senador ang lumagda sa committee report na nagtataas sa kasalukuyang 35 pesos na buwis sa bawat pakete ng sigarilyo.
Kabilang dito sina Senators Sonny Angara, JV Ejercito, Risa Hontiveros, Sherwon Gatchalian, Panfilo Ping Lacson, Kiko Pangilinan, Franklin Drilon, Nancy Binay, Loren Legarda, Juan Miguel Zubiri at Senate President pro tempore Ralph Recto.
Ang pag-endorso ng panukala sa plenaryo ay nakatang gawin sa session mamaya ni Senator Angara, bilang chairman ng committee on ways and means.
Base sa panukala ay tataas sa 45 pesos kada pakete ang buwis sa sigarilyo pagsapit ng 2020, 50 pesos sa taong 2021, 55-pesos sa taong 2022 at 60 pesos pagsapit ng 2023.
Mula 2024 ay itataas ito ng limang porsyento kada taon.