Umabot na sa labing isang milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang naiturok na sa buong bansa.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Testing Czar Secretary Vince Dizon na bunga ito ng patuloy na pag-arangkada ng vaccination program ng pamahalaan.
Sa katunayan, sa nakalipas na apat na araw mula nitong Lunes hanggang kahapon, nakapagbakuna sila ng isang milyong doses.
Ito aniya ang pinakamabilis na pagbabakuna na naitala magmula noong Marso.
Dahil tuluy-tuloy na ang pagdating ng suplay ng bakuna, sinabi ni Dizon na inaasahan nilang mas bibilis pa at darami pa ang mababakunahan sa mga susunod na linggo at buwan.
Kampante naman si Dizon na bago matapos ang taon, makakamit ang target na population protection sa bansa.
Facebook Comments