Umabot na sa 11 milyong estudyante sa lahat ng lebel ang apektado ng suspensyon ng klase bunga ng Bagyong Ulysses.
Sa datos ng Department of Education (DepEd) Disaster Risk Reduction and Management Service na mula nitong November 15, nasa 20,941 schools sa ilalim ng 105 divisions sa Cordillera Administrative Region, National Capital Region, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol ay nagpatupad ng class suspension apektado ang 11,900,260 enrollees.
430 schools o 14,844 classrooms sa ilalim ng 47 divisions sa CAR, NCR, at Regions 1,2,3,4-A,4-B,5 at 8 ang ginagamit bilang evacuation centers.
Facebook Comments