11 milyong pamilya, walang access sa ligtas at malinis na tubig

Nababahala si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa mataas na bilang ng mga pamilyang Pilipino na walang access para sa ligtas at malinis na tubig.

Batay sa ulat ng National Water Resource Board (NWRB), aabot sa 11 milyong pamilyang Pilipino ang walang access sa malinis na tubig sa bansa.

Katumbas ito ng 41 percent ng kabuuang bilang ng mga pamilya sa bansa na nasa mahigit 26 na milyon.


Ayon kay Villanueva, nakakalungkot na halos kalahati ng kabuuang bilang ng mga pamilyang Pilipino ay walangs mapagkunan ng malinis na tubig bunsod na rin ng kawalan ng suplay at problema ng sanitation.

Agad na ipinasasabatas ni Villanueva ang Senate Bill 1048 o Safe Drinking Water Act at Senate Bill 2013 o National Water Act na siyang titiyak para sa malinis, ligtas at sapat na suplay ng tubig.

Mahalaga aniyang kumilos ang pamahalaan na siguruhing ang bawat Pilipino ay may ligtas at potable water o maiinom na tubig sa pamamagitan ng pagkakaroon ng comprehensive management program sa water safety planning.

Facebook Comments