11 na Magkakamag-anak sa Gamu, Nagpositibo sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa sakit na COVID-19 ang labing isang (11) magkakamag-anak sa bayan ng Gamu sa Lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Nestor Uy, dumami aniya ang kanilang kaso matapos madagdagan ng 11 na bagong COVID-19 positive na pawang mga magkakamag-anak.

Ayon kay Mayor Uy, maituturing aniya ito na local transmission dahil sa dami ng bilang ng tinamaan at nagpositibo sa virus.


Kanyang sinabi na malaki ang posibilidad na madagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo dahil na rin sa dami ng kanilang mga nakasalamuha.

Batay sa isinagawang contact tracing ng RHU ay nasa mahigit 30 katao ang natukoy na nakasalamuha ng mga nagpositibo.

Una nang isinailalim sa lockdown ang Purok 1 at 3 sa Poblacion at isinunod naman ang Purok 4 sa Brgy. District III, Poblacion matapos magpositibo rin sa rapid test ang ilan sa mga indibidwal at hinihintay na lamang ang resulta ng kanilang swab test.

Sinabi pa ng alkalde na binibigyan naman ng mga relief goods ang mga residente na apektado ng lockdown.

Facebook Comments