
Naihatid na sa kanilang libingan ang 11 kataong namatay matapos madaganan ng malalaking bato ang kanilang mga bahay na nasa gilid ng bukid dahil sa landslide na dulot ng malakas na lindol.
Sampu sa kanila ay inilibing sa iisang hukay kung saan magkakatabi ang sampung kabaong sa Corazon Cemetery sa Bogo City, habang ang isa ay inilibing sa ibang lugar.
Sa 11 na namatay sa Hacienda Filomena sa Brgy. Binabag, Bogo City, walo sa kanila ang menor de edad.
Ginawa ang misa sa mismong lugar na nakaburol ang labing isang namatay sa lindol.
Matatandaang sa Bogo mismo ang epicenter ng 6.9 magnitude na lindol na naganap noong Setyembre 30 ng gabi.
Facebook Comments









