Manila, Philippines – Si Senator-elect Lito Lapid na lamang ang hindi pa nakakapagsumite ng kanyang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE para sa May 13 midterm elections.
Ayon sa campaign finance office ng Commission on Elections (Comelec), lahat ng mga nanalong senador ay nakapagpasa na ng kani-kanilang SOCE maliban kay Lapid.
Kabilang sa mga senador ay sina: Cynthia Villar, Nancy Binay, Grace Poe, Bong Revilla, Francis Tolentino, Pia Cayetano, Bong Go, Bato Dela Rosa, Imee Marcos, Sonny Angara at Koko Pimentel.
Sa ilalim ng batas, lahat ng kandidato at electoral parties, nanalo man o natalo nitong halalan ay kailangang magsumite ng SOCE sa loob ng 30 araw pagkatapos ng eleksyon o June 13.
Ayon sa Comelec, ang mga SOCE na ipapasa lagpas sa itinakdang deadline ay hindi na tatanggapin maliban sa mga nanalo nitong eleksyon.
Ang mga nanalong kandidato ay maaaring magpasa ng SOCE sa loob ng anim na buwan mula sa petsa ng proklamasyon.
Ang mga bigong makakapagpasa ng SOCE ay mahaharap sa administrative sanctions.
Lahat ng mga bagong halal na senador ay pormal na uupo, alas-12:00 ng June 30.