11 PAARALAN SA ILOCOS REGION NAGSUSPINDE NG FACE-TO-FACE CLASSES

Sinuspinde ng labing isang paaralan sa Ilocos Region ang pagsasagawa ng face-to-face classes dito sa kabila nang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Cesar Bucsit, DEPED Region 1 Spokesperson, kailangan nilang sumunod sa national guidelines na awtomatikong pagsusupinde nito sa ilalim ng mga areas na nasa Alert Level 3.

Kabilang sa mga paaralan na nagsuspinde ng face-to-face ay ang Dumalneg National High School, Alao-Ao Elementary,Paddagan Elementary School, Dumalneg Elementary School, San isidro Elementary School, Cacafean Elementary School, Buanga Elementary School, Godogod Elementary School at Bicbica Elementary School sa Ilocos Norte.

Kasama din ang Longos Elementary School at 100 Cowboy Christian Learning Center sa Alaminos City Pangasinan.

Ang Ilocos Region ay nakitaan nang pagtaas ng kaso ng COVId-19 ngayong buwan ng Enero ayon sa Department of Health Region 1.

Samantala, hinihikayat naman ni Bobis ang teaching personnel at mag-aaral na magpabakuna kontra COVID-19 habang suspendido ang face-to-face. | ifmnews

Facebook Comments