11% pagbaba ng krimen sa unang dalawang buwan ng administrasyong Marcos, iniulat ng PNP

Bumaba ng labing isang porsyento ang krimen sa bansa sa unang dalawang buwan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang iniulat ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajarado batay aniya sa datos ng Directorate Investigative and Detection Management mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 5 ng taong kasalukuyan kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakalipas na taon.

Partikular na bumaba ang 8 focus crimes na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, at carnapping.


Ayon kay Fajardo, ipinag-utos ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang maximum police presence sa mga pampublikong lugar.

Alinsunod na rin aniya ito sa tagubilin ni Pangulong Marcos na siguraduhing ligtas ang mga lansangan para sa taumbayan.

Facebook Comments