11 pang OFWs mula Lebanon, dumating na sa bansa

Isa pang batch ng Overseas Filipino Workers o OFWs mula sa Lebanon ang dumating sa bansa.

Kabilang sa 11 OFWs na dumating sa bansa si Anabelle Cardosa.

Ayon kay Anabelle, tatlong buwan pa lamang siya sa Lebanon at hindi nya alam na may giyera pala sa pagitan ng Israel at ng Hezbollah group ng Lebanon.


Aniya, tiyempo rin ang pag-uwi nya dahil kabilang sila sa mga naapektuhan ng matinding baha sa Bicol Region.

Ilan din sa repatriates ang nagkwento na sa mismong tinitirahan na nila sa Lebanon bumabagsak ang mga bomba ng Israel.

Tiniyak naman ng Depertment of Migrant Workers na bibigyan nila ng pangkabuhayan ang mga umuwing Pinoy.

Facebook Comments