11 pangalan, nag-uunahan para sa bakanteng posisyon sa Korte Suprema

Karamihan sa mga naturang aplikante para sa iniwang posisyon ni Supreme Court Associate Justice Priscilla Baltazar-Padilla ay mula sa Court of Appeals.

Samantala, dalawa rin sa mga aplikante ay mula sa Sandiganbayan at tig-isa mula sa Office of Court Administrator ng Supreme Court at sa dean ng College of Law.

Ang mga aplikante mula sa Court of Appeals ay sina Justices Nina Antonio-Valenzuela, Maria Filomena Singh, Ramon Cruz, Jhoseph Lopez, Eduardo Peralta, Apolinario Bruselas at Japar Dimaampao.


Mula naman sa Sandiganbayan, ay sina Presiding Justice J. Amparo Cabotaje-Tang at Justice Oscar Herrera Jr. habang mula naman sa Supreme Court ay si Administrator Jose Midas Marquez.

Ang mula naman sa Academe, ay si Ateneo Law Dean Sedfrey Candelaria.

Nagsimula naman ang Judicial and Bar Council ng kanilang unang deliberations para sa mga aplikante noong nakalipas na December 17 samantalang ang tentative public interview para sa mga bagong applicants ay gaganapin naman sa December 28 at 29.

Facebook Comments