11 PANGASINENSE, NANGUNA SA NURSING LICENSURE EXAMINATION

Ipinamalas ng labing isang (11) topnotchers mula sa Pangasinan ang galing at husay sa katatapos na May 2025 Nursing Licensure Examination.
Sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC),umabot sa 6, 935 ang pumasa sa kabuuang 10, 770.
Sa Pangasinan, naiuwi ni Jaien Leewen Martinez Del at Kate Therese Tenorio Taron ang Top 5, Top 6 si Jamela Irish Concepcion Casis, Samantha Joy Calu-ba-quib Eco Cruz at Monette Jossa Asperin Villanueva na Top 7, Juvely Bautista, Alyna Kyla Araojo See at Rose Sheila Mae Duata Domingo na Top 8, Cristina Paula Finuliar Samson-Top 9 at Top 10 Janine Kate Nava Domantay at Criszel Alcausin Navelgas.
Samantala, hinirang na top 1 performing school ang University of Pangasinan matapos makakuha ng 100% overall passing rating at Top 8 performing school ang Lyceum Northwestern University.
Isang taas-noong pagpupugay sa mga bagong nurse ng ating bansa at sa magandang resulta sa mataas na kalidad ng edukasyon at sa larangan ng kurso na kanilang pinili. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments