1 patay, 43,000 indibidwal, apektado ng Bagyong Maymay – NDRRMC

Isa ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng Bagyong Maymay.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naitala ang kaisa-isang fatality sa Cagayan Valley.

Wala namang napaulat na nawawala o nasaktan dahil sa bagyo.


Samantala, pumalo sa 43,721 na mga indibidwal o 11,503 pamilya ang naapektuhan ng bagyo mula sa 196 na mga barangay sa Cagayan Valley at Cordillera Admnistrative Region (CAR).

Karamihan sa kanila o 41,918 individuals ang mula sa Cagayan Valley.

Hanggang ngayong araw, nasa 127 indibidwal o 32 pamilya pa ang nananatili sa mga evacuation center.

Nasa P4.9 milyong halaga na ng family food packs ang naipamahagi sa mahigit 8,000 residente sa Cagayan Valley at CAR na apektado ng bagyo.

Facebook Comments