11, patay; 98 sugatan sa train crash sa Egypt

Patay ang 11 indibidwal matapos na madiskaril ang sinasakyan nilang tren sa bahagi ng Qalioubia province sa Cairo, Egypt.

Isinugod naman sa tatlong magkakahiwalay na ospital ang 98 nasugatan sa aksidente.

Sa ulat, bumabiyahe ang tren mula Cairo papuntang al-Mansoura nang mangyari ang train crash.


Iniimbestigahan pa ng Egyptian Railway Authority ang sanhi ng aksidente.

Samantala, nito lang March nang magbanggaan naman ang dalawang tren sa Tahta district, Upper Egypt kung saan 32 ang nasawi at 165 ang nasugatan.

Facebook Comments