11 patay sa aksidente sa bus sa Mexico

Patay ang nasa 11 katao matapos magpagulong-gulong ang bus sa Northern Mexico.

Ang aksidente ay nangyari sa Zacatecas state, kung saan lulan ng 40 pasahero ang bus na galing Mexico City patungong Torreon City.

May mga katawan pang patuloy na nire-rekober sa loob ng bus.


Isa sa tinitingnang anggulo ng imbestigasyon ay posibleng nakatulog ang driver habang nagmamaneho.

Facebook Comments