11, patay sa sunog sa Binondo, Maynila

Aabot sa 11 indibidwal ang kumpirmadong nasawi sa nangyaring sunog sa Binondo, Maynila.

Partikular sa isang limang palapag na gusali na residential-commercial sa Carvajal Street malapit sa Nueva Street.

Sa paunang imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa isang karinderya sa unang palapag kaniang alas-7:22 ng umaga.


Alas-8:22 nang iakyat sa ikalawang alarma ang sunog at alas-10:04 ng umaga nang ideklara itong fire-out.

Sinasabing pawang mga border ang mga nasawi kung kaya’t labis ang panlulumo ng landlord na si Nori Minete.

Hindi pa naman makumpirma kung anong sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng pinsala habang hindi pa inilalabas ang mga pangalan ng mga biktima.

Facebook Comments