11 pier, tigil-operasyon pa rin dahil sa sama ng panahon; halos 800 pasahero, nananatiling stranded

Nananatiling non-operational ang 11 mga pantalan sa ilang rehiyon sa bansa.

Ito ay bunsod pa rin ng masamang panahon dulot ng naranasang shear line.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 11 pier sa MIMAROPA ang tigil-operasyon.


Dahil dito, stranded ang kabuuang 765 na mga pasahero.

Hindi rin muna pinayagang makapaglayag ang 13 rolling cargoes at 1 vessel.

Samantala, operational na ang 8 pantalan sa ngayon na nitong mga nakalipas na araw ay nagtigil operasyon.

Apat ang mula sa Region 6, dalawa sa Region 5 at isa mula sa Region 10.

Kasunod nito, paalala ng NDRRMC sa mga biyahero na makipag-ugnayan muna sa pamunuan ng mga pantalan upang hindi na magtungo pa sa pier kung kanselado ang inyong mga biyahe.

Facebook Comments