
Nakauwi na ng Pilipinas ang 11 Filipino household service workers na nakaranas ng problema sa kanilang mga employer sa Saudi Arabia.
Ang mga nasabing OFW ay unang humingi ng tulong upang makabalik ng bansa matapos makaranas ng labor-related cases, welfare issues, at humanitarian concerns habang nagtatrabaho sa kaharian.
Dumating ang mga distressed Pinoy workers sakay ng magkakahiwalay na flights mula Riyadh, at sinalubong ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa NAIA Terminal 3.
Facebook Comments










