
Nakahandang magbibigay ng legal assistance ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa 11 na mga Pinoy na nakulong sa Nigeria.
Ito’y matapos na masangkot ang mga ito sa cyber-terrorism at internet fraud.
Ayon sa Agence France-Presse, kabilang pa sa mga naaresto ang dalawang Chinese, isang Malaysian, at isang Indonesian na hinatulan ng isang taong pagkakakulong at multang isang milyong naira o katumbas ng humigit-kumulang ₱37,000.
Samantala, nakikipag-ugnayan naman na ang Embahada ng Pilipinas sa Abuja at Konsulado sa Lagos upang matiyak ang kaligtasan at karapatan ng naturang mga Pinoy.
Facebook Comments










