Dumating sa bansa ang 11 Pinoy seafarers na nakaligtas sa Houthi rebels missile attack sa Yemen.
Ang naturang Pinoy crew members ay dumating sa NAIA 3 sakay ng Ethiopian Airlines.
Isa sa kanila ay kabilang sa mga nasugatan sa pag-atake pero siya ay nabigyan na ng medical clearance na bumiyahe dahil minor injury lamang ang tinamo nito.
Agad silang dinala sa VIP Lounge sa NAIA 3 para sa isang programa na pinangunahan ng Department of Migrant Workers kasama ang ilang kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Facebook Comments