11 Positive Cases sa COVID-19 kabilang ang isang Buntis, Naitala sa Region 2

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ng Department of Health Region 2 ang kabuuang 11 positibo sa sakit na COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.

Ayon kay Dr. Leticia Cabrera, OIC Regional Director ng DOH region 2, naitala ang 4 na kaso sa Probinsya ng Isabela, 6 sa Cagayan kabilang ang 73 anyos na babae mula sa Tuguegarao City at 1 sa Nueva Vizcaya.

Kabilang din ang dalawang nurse na sina PH839 at PH841 na nagpositibo sa covid-19 matapos magkaroon ng exposure kay PH275 na kauna-unahang nagpositibo sa sakit sa buong rehiyon.


Bago ito, nagkaroon ng travel history ang 3 positive cases mula sa Bayan ng Alicia na sina PH837, PH 838 at PH840 kabilang ang pitong linggong buntis matapos magkaroon ng pagbiyahe sa Antipolo City, Rizal, Paco Maynila at Divisoria.

Kahapon ng ianunsyo ng DOH ang pagiging positibo sa covid-19 ng isang estudyante sa Bayan ng Echague at ang pumanaw na 65 anyos mula sa Nueva Vizcaya.

Kabilang din ang isang dating kongresista ng Cagayan at isang Security Guard na nagpositibo sa COVID-19.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng contact tracing ang DOH para matukoy ang posibleng nakasalamuha ng mga ito maging ang sasakyan na kanilang ginamit.

Facebook Comments