Ibinasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 11 reclamation project sa Manila Bay na sumasakop sa National Capital Region, Region 3, at Region 4-A.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, inihayag ni Philippine Reclamation Authority (PRA) Assistant General Manager at Spokesperson Atty. Joseph John, na dalawa lamang sa 13 reclamation projects ang inaprubahan ng pangulo.
Ang dalawang ito ay parehong nasa Pasay City.
Ayon kay Literal, mahipit na utos ng pangulo na kung may epekto sa kalikasan ang reklamasyon ay kailangang pag-aralan ulit ang disenyo at ang proponents nito.
Matatandaang isa ang reclamation projects sa sinisisi ng publiko kung bakit nagkaroon ng malawakang pagbaha sa Metro Manila nang humagupit ang Habagat at Bagyong Carina kamakailan.
Sa kasalukuyan ay nasa kabuuang 22 ang reclamation projects sa buong bansa.