Isang lumubog na motorbanca ang nirespondehan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng Looc, Occidental Mindoro.
Sa ulat ng PCG, 11 na indibidwal ang nasagip na sakay ng MBCA God’s Grace 9 sa layong 2 nautical miles kanluran ng Ambil Island sa Looc, Occidental Mindoro.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, umalis ng Port of Lubang ang MBCA God’s Grace 9 at patungo sanang Port of Calatagan sa Batangas nang maka-engkwentro ng malalakas na alon sa gitna ng biyahe.
Kasunod nito, isang lumulutang na bagay ang tumama at nagdulot ng pinsala sa kanilang sinasakyan na nagresulta rin sa bahagyang paglubog nito.
Nasa maayos namang kondisyon ang mga tripulanteng nasagip.
Facebook Comments