Dumating na sa Villamor Air Base sa Pasay City kagabi ang labi ng walo sa 11 sundalong nasawi sa sagupaan sa pagitan ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu noong Biyernes, April 17.
Binigyan ang mga ito ng military honors sa pangunguna nina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Felimon Santos Jr. at Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Ayon kay Western Mindanao Command Chief Lieutenant General Cirilito Sobejana, binigyan na rin ng Departure Honors ang mga sundalo bago ang Send-Off Ceremony sa Edwin Andrews Air Base sa Sta. Maria, Zamboanga City.
Kinilala ang mga nasawing sundalo na sina:
- 1st Lieutenant Rogelio Deligero Jr.
- Staff Sergeant Jayzon Gazzingan
- Corporal John Michael Manodom
- Corporal Jomar Ninalga
- Corporal Rasul Ao-As
- Corporal Mark Dexter Montenegro
- Corporal Ernesto Bautista Jr.
- Private First Class Jomel Pagulayan
- Private First Class Premark Vallecer
- Private First Class Benson Bongguic
- Private Jiydon Usman
Nauna nang kinondena ng Malacañang ang ginawang pag-atake ng asg sa kabila ng kinakaharap na COVID-19 Pandemic ng bansa.
Nagpaabot din ng pagkondena ang Philippine Army, PNP at Davao City Government kasabay ang pagkilala sa katapangan at serbisyo ng mga sundalo.