11 sundalong sugatan sa bakbakan kontra Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu – pinarangalan

Photo Courtesy: Presidential Communications (Government of the Philippines)//Facebook Page

Pinarangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 11 sundalo na nasugatan sa makikipaglaban sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu.

Ginawaran sila ng order of Lapu-Lapu ng bisitahin sila ng Pangulo sa Camp General Teodulfo Bautista.

Nangako rin ang Pangulo ng suporta sa mga sundalo kabilang ang pagkakaloob ng kanilang hazard pay sa mga nagdaang buwan.


Kasabay nito, nanawagan ang Pangulo sa mga rebeldeng Muslim na makipag-kasundo na sa gobyerno.

WATCH HERE: https://www.facebook.com/pcoogov/videos/859824674353770/

Facebook Comments