
Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang mga suspek sa pagdukot sa isang babaeng negosyante.
Sa press conference ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa Kampo Krame sinabi nito na dinukot ang 78 yrs. old na babaeng negosyante sa C3 road Quezon City nitong Sept. 2, 2025.
Matapos nito, nakatanggap ng tawag ang kapatid ng biktima kung saan humihingi ang mga hostage takers ng P150-M kapalit ng paglaya ng biktima.
Sinabi pa ni Sec. Remulla na kahapon, September 11, tila nainip ang mga suspek kung kaya’t dinala na ang biktima sa bangko para i-withdraw ang ransom money.
Ani Remulla, natunugan ng mga bank teller ang sitwasyon kaya’t agad silang tumawag ng pulis.
Wala pa aniyang dalawang minuto nang dumating ang mga awtoridad sa bangko at naaresto ang tatlong mga suspek.
Sa ikinasang follow up operation kahapon naaresto ang walong iba pang kasabwat kung saan tatlo dito ay pawang mga dismissed servicemen.
Dalawa mula sa hanay ng Philippine Marines at isa mula sa Philippine Army.
Sa ngayon sinabi ni Sec. Remulla na nagpapatuloy pa rin ang hot pursuit operations upang matunton ang mastermind sa krimen.









