Sinampahan ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang labing-isang suspek sa pagkamatay ni flight attendant Christine Dacera sa isang hotel sa Makati noong Bagong Taon.
Kabilang sa respondents sina:
1)Police Major Michael Nick Sarmiento, Medico Legal Office ng Southern Police District Crime Laboratory
2)Mark Anthony Rosales
3)John Pascual Dela Serna III
4)Darwin Joseph Macalla
5)Gregorio Angelo Rafael De Guzman
6)Jezreel Rapinan
7)Alain Chen
8)Reymar Englis
9) Atty. Neptali Maroto
10)Louie De Lima
11)Rommel Galido
Kasunod ito ng ginawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkamatay ni Dacera.
Inirekomenda ng NBI ang pagsasampa ng kasong obstruction of justice laban sa occupants sa hotel room na sina Mark Rosales, Rommel Galido, John Dela Serna, Gregorio de Guzman, Jezreel Rapinan, Alain Chen, Reymar Englis, Darwin Macalla ,gayundin ang kanilang abogado na si Atty. Neptali Maroto.
May nakita ring ebidensya ang NBI para irekomenda nito ang pagsasampa ng reckless imprudence resulting in homicide laban kina Dela Serna, Rapinan, Chen at Louie de Lima.
Habang si Rosales ay inirekomenda naman para sa reklamong administering illegal drugs.
Batay sa imbestigasyon ng NBI, sina Rosales at Galido ay pasok para sa reklamong attempted to deliver or give away illegal drugs.
Inirekomenda rin ng NBI ang reklamong perjury laban kina Galido, Dela Serna at Macalla.
Si Major Sarmiento naman ay pinasasampahan ng falsification of official document by a public officer dahil ito ang gumawa ng autopsy sa labi ni Dacera.