Tuluyan nang tinanggal sa serbisyo ang 11 Special Action Force o SAF personnel na dawit sa moonlighting activity.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil kanyang sinang ayunan ang rekomendasyon ng Internal Affairs Service na nagdi-dissmis kina PLt.Col. Joseph Bagsao, Police Executive Master Sergeant Aaron Turano, PCpl. George Mabuti, Pat. Roger Valdez, Jr., PCPT. Roy Pleños, PCPT. Dale Andrei Duterte, PLT. Aaron Tudlong, Police Senior Master Sergeant Edmark Mabini, PSMS Albert Gandipon, PCPT. Jesttony Asanion at PLT. Michael Misa dahil sa grave misconduct, dishonesty, grave irregularity in the performance of their duties, at conduct unbecoming of a police officer.
Habang si PCpt. Mark Victor Pineda ay suspendido ng 31 araw dahil sa simple neglect of duty at less grave neglect of duty at pinawalang sala naman sina PCpt. Julius Tacay, Police Chief Master Sergeant Leolito Calasang, at PCpl. Rusty Araya dahil sa insufficient evidence.
Nag-ugat ang kaso makaraang matuklasang dawit ang mga SAF trooper sa moonlighting bilang security sa isang Chinese national na walang proper authorization.
Napatunayan ding nagsasabwatan ang mga ito para palabasin na naka-duty ang kanilang kasamahan pero sumisideline pala bilang security escorts.