11 Things You Need To Know About Ex-Battalion

IMAGE: THE PHILIPPINE STAR
  1. Nabuo ang grupong Ex Batallion noong taong 2012 na nanggaling sa iba’t-ibang underground rap groups sa Muntinlupa City.
  2. Ang grupong ito ay binubuo nina Bosx1ne, Flow-G, Skusta Clee, Brando, Emcee Rhenn, King Badger (Jon Gutierrez), Flip-D, Jomar Lovena, Reid Villavicencio, KentMNL, Mckoy, Hudass, Jekkpot, Cent, Jnske, Bullet-D (O.C. Dawgs).
  3. Naging miyembro rin dito si Jroa ngunit di kalaunan ay umalis ito dahil siya ay magfo-focus muna sa kanyang sariling career.
  4. Ang unang tatlong miyembre ng grupo ay dating reality talent show participant na si Jroa, Flow-G at ang kanilang founder na si Bosx1ne.
  5. Sila ay umani ng halos 200 million views sa Youtube
  6. Nagkaroon ng collaboration ang grupong Ex Battalion kasama ang Philippine Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas.
  7. Si Ai Ai Delas Alas ang tumatayong manager sa ngayon ng kanilang grupo.
  8. Naganap ang kanilang kauna-unahang concert na pinamagatang “Freshman Class” noong August 2017 sa Angelis Resort, Poblacion, Marikina City.
  9. Ang kanilang unang album na “X”  ay lumabas noong taong 2016. Ito ay naglalaman ng 15 awit kabilang ang “Nakakabaliw,” “Twerk,”“ Makakabawi Rin,” “Darating Din,” at “Mukhang malabo”.
  10. Inimbitahan ni Willi Revillame ang kanilang grupo sa Wowowin na ngayon ay mayroon ng mahigit sa 14 million views ang kanilang performance.
  11. Ang kanilang kantang “Hayaan Mo Sila” ay nagkaroon ng copyright issue dahil lumampas ito sa limitasyon na binayaran nila sa gumawa ng beat. Ngunit ito naman ay agad nabalik noong November na umani naman ng 25M views.
Facebook Comments