11% TO 15% | Dagdag kontribusyon sa SSS, posibleng ipatupad

Manila, Philippines – Target na maipatupad sa pagpasok ng 2019 ang dagdag-kontribusyon sa Social Security System (SSS) kapag nalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na inaprubahan ng Kongreso.

Ito ay matapos lumusot sa Senado at Kamara sa bisa ng bicameral conference committee ang pinal na bersiyon ng panukala.

Ayon kay SSS President Emmanuel Dooc, mula 11 porsiyento, layong gawing 15 porsiyento ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS at unti-unting ipapatupad ito hanggang 2025.


Aniya, susundan pa rin ang hatian na 8 porsiyento sa employer at 4 porsiyento sa employee.

Nasa P16 bilyon aniya ang inaasahang revenue o kita ng SSS mula sa contribution hike kapag naipatupad na ito.

Sabi ni Dooc, kung ngayon ay hanggang 2032 lamang ang pondo ng SSS hahaba ito hanggang 2038.

Paliwanag ni Dooc, mas makakabenepisyo ang dagdag sa kontribusyon sa gitna ng nagtataasang presyo ng bilihin at serbisyo.

Umaasa rin ang SSS na makakatulong ang hike sa pagpapahaba ng buhay ng kanilang pondo.

Facebook Comments