11 underinvestigation dahil sa NCoV

152

Kasalukuyan pang inaantabayanan ang resulta ng serye ng laboratory test ng 11 pasyente na underobservation dahil sa Novel Corona Virus.

Sa laging handa briefing sa Malakanyang sinabi ni Health Sec Francisco Duque na ang mga ito ay itinuturing na persons under investigation (PUIs)


Ang mga PUIs ay may history ng pag-biyahe sa Wuhan City sa China na sinasabing pinagmulan ng NCoV.

Pawang mga Chinese Nationals, Brazillian, German at Amerikano ang mga ito na kasalukuyang naka confine sa iba’t ibang ospital mula sa NCR, Mimaropa, Northern Mindanao, Western Visayas, Eastern Visayas at Central Visayas.

Sa ngayon ay nananatiling NCoV free ang Pilipinas.

Facebook Comments