11 vloggers na hindi sisipot sa pagdinig ng House Tri Committee, maaring ma-contempt

Posibleng ma-contempt at ipakulong ng Kamara ang 11 social media personalities at vloggers kabilang si dating Communications Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Ito ang mangyayari kung hindi sila muling dadalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Tri Committee bukas, March 21 ukol sa pagkalat ng fake news at misinformation.

Bukod kay Cruz-Angeles, kabilang din sa ipinatawag sa pagdinig sina Aeron Peña, Allan Troy “Sass” Rogando Sasot, Elizabeth Joie Cruz, Dr. Ethel Pineda Garcia, Jeffrey Almendras Celiz, Krizette Laureta Chu, Lorraine Marie Tablang Badoy-Partosa, Mark Anthony Lopez, Mary Jean Quiambao Reyes, at Richard Tesoro Mata.


Binigyang-diin ni Tri-Comm overall Chairman at Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, na mahalaga ang imbestigasyon ng Kamara upang matukoy at mapanagot ang mga indibidwal na nagpapakalat ng mali at mapanlinlang na impormasyon online.

Facebook Comments