11 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Taal

Muling nakapagtalaga ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 11 volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Maliban dito, nagkaroon din ng mahihinang pagyanig na tumagal ng isa hanggang 20 minuto.

Nagbuga rin ang bulkan ng sulfur dioxide na umabot ng 3,975 tonelada at pagsingaw na may taas na 10 metro.


Dahil dito, nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa nasabing bulkan.

Kaya ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island at paglipad ng mga sasakayang panghimpapawid malapit sa tuktok nito.

Paalala naman ng PHIVOLCS na ang mga nabanggit na aktibidad ng Taal ay maaaring magkaroon ng biglaang pagputok o phreatic explosion.

Facebook Comments