11 volcanic earthquakes, naitala sa Mt. Pinatubo

Inihayag ng pamunuan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nagkaroon ng labing-isang volcanic earthquakes ang Bulkang Pinatubo sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, pinapanatili ng ahensya ang Alert Level 1 sa nasabing bulkan.

Sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS pasado alas-8:00 ng umaga ngayong araw, sinabi nito na mayroong bahagyang pagyanig na maaaring dulot ng tectonic events sa ilalim ng bulkan.


Sa kabila nito, hindi pa nakikita ng ahensya na puputok ang Pinatubo sa nalalapit na panahon.

Pero ipinapayo pa rin ng PHIVOLCS sa mga nakatira malapit sa bulkan at lokal na pamahalaan na mag-ingat at maghanda laban sa mga panganib ng lindol at pagputok ng bulkan.

Tiniyak naman ng PHIVOLCS na patuloy silang magbabantay sa kalagayan ng Bulkang Pinatubo at ang anumang pagbabago ay agarang ipararating sa lahat ng mga kinauukulan.

Facebook Comments