
Sa kinasang operasyon ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa, nakapag-aresto ang mga ito ng 11 wanted person at nakakumpiska ng mahigit 18 milyong pisong halaga ng ilegal na droga mula Enero 14 hanggang Enero 15 .
Kung saan ilang High-profile at regional suspects ang nasa kustodiya ng pulisya mula sa Cebu, Romblon, Batangas, Cavite, Laguna, Bukidnon at Bataan.
Ang mga nahuling suspek ay may mga kasong qualified theft and forcible abduction with rape, statutory rape, rape, multiple counts of rape, illegal drug violations, paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act at may dalawang sumuko para sa kasong kidnapping with homicide.
Sa kampanya naman para sa ilegal na droga ,nakakumpiska ang mga operatiba ng aabot sa kabuuang 2,505 na gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit 17 milyong piso.
Habang sa isinagawang anti-marijuana operation sa Kalinga at Pampanga, sinira ng mga operatiba ang nasa 3,600 marijuana plants at nakakumpiska ng 712 gramo ng marijuana, na tinatayang nagkakahalaga naman ng mahigit 1 milyong piso.
Ayon kay Acting PNP Chief Lt. General Jose Melencio Nartatez Jr., ang bawat pag-aresto at bawat ilegal na aktibidad na napipigilan ng pulisya ay ang tunay na proteksyon sa pamilya at komunidad.










