11 Wanted Person, Timbog sa Magkakahiwalay na Operasyon ng Pulisya

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 11 Wanted Person sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya rehiyon dos.

Nakilala ang mga naaresto na sina Jhon Mhar Tangan, 19-anyos, Top 1 Most Wanted Provincial Level, may-asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Andarayan North, Solana, at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Illegal Drugs; Lucky Val Baloran, 28-anyos, Top 6 Most Wanted Provincial Level, may-asawa, at residente ng Brgy. Jurisdiction, Lallo, at nahaharap sa kasong Rape; at Joel Genova, 50-anyos, may-asawa, isang clerk ng Accounting Department ng LGU-Calayan at residente ng Brgy. Cabudadan, Calayan at kinaharap ang kasong paglabag sa PD 1602.

Inaresto din sina Roderick Bucayu, residente ng Brgy. Cataggaman Pardo, Tuguegarao City, Cagayan na may kasong RA 9262; Alexander Arellano, 36 -anyos, may-asawa, isang tindero at residente ng Brgy. 3, San Mateo, Isabela at nahaharap sa kasong Estafa; Diego Pagulayan y Esperanzati, at residente ng Brgy. Baligatan, Ilagan City, Isabela na naaresto naman sa kasong PD 705; Nicole Jarrod Molina, 29-anyos, binata, isang negosyante at residente ng Brgy. Centro, Amulung, Cagayan na naaresto sa kasong Estafa; Rommel Gammaru, 30-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Angancasillian, Cabagan, Isabela na naaresto sa kasong Direct Assault Upon a Person in Authority; Benjamin Santiago Jr, 47-anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Abian, Bambang, Nueva Vizcaya na naaresto sa kasong Murder at Frustrated Murder; Irene Cristobal, 42-anyos, isang negosyante at residente ng Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela at Brgy. Osmeña, Solano, Nueva Vizcaya na naaresto sa kasong Estafa (2 counts); at Gladys Dulatre, 61-anyos, at residente ng Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya na naaresto sa kasong Estafa at Illegal Recruitment.


Pinuri naman ni PBGen. Angelito Casimiro ang pulisya na nagsagawa ng operasyon na nagresulta ng pagkakahuli sa mga akusado.

Facebook Comments