$110-billion arms deal, pinirmahan ng US at Saudi Arabia

World – Pumirma si US President Donald Trump at si Saudi Arabian King Salman ng $110- billion arms deal na bahagi ng napagkasunduan sa pagbisita ng pangulo ng Estados Unidos sa Saudi Arabia.

Pinirmahan ng dalawang lider ang joint vision agreement sa Saudi Royal Court.

Ang nasabing kasunduan ay agad na ipatutupad at may karagdagang $350 billion pang deal sa susunod na 10 taon.


Inanunsiyo rin ng dalawang bansa ang defense cooperation agreement at private sector agreements na naglalayong makalikha ng libo-libong trabaho sa US defense industry.

Samantala, bukod naman sa Riyadh, kabilang din sa mga bibisitahin ni President Trump sa 8-day trip nito ay ang Israel, Palestinian Territpries, Brussels, Vatican at Sicily.
DZXL558

Facebook Comments