Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ngayong araw, Marso 9, 2021 ng mataas na panibagong bilang ng gumaling sa COVID-19 ang probinsya ng Isabela.
Sa datos na inilabas na datos ng Department of Health (DOH) Region 2, isang daan at sampung tinamaan ng COVID-19 ang idineklarang gumaling na sa sakit habang animnapu’t siyam (69) naman ang naitalang panibagong kaso.
Mula sa bagong kaso, ang dalawampu’t isa (21) ay naitala sa Santiago City; labing dalawa (12) sa bayan ng Echague; walo (8) sa bayan ng Roxas; lima (5) sa Lungsod ng Cauayan; apat (4) sa Luna; tig-tatatlo (3) sa San Manuel at Cordon; tig-dadalawa (2) sa bayan ng Alicia, Aurora at Sta. Maria at tig-iisa (1) sa bayan ng Jones, Quirino, Ramon, San Isidro, Tumauini at sa City of Ilagan.
Sa kasalukuyan, mayroong 539 na aktibong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Isabela na kung saan ang 439 rito ay Local Transmission; pitumput anim (76) na Health Workers; labing pito (17) na Locally Stranded Individuals (LSIs) at pito (7) na kasapi ng PNP.
Umaabot na rin sa 5,676 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa probinsya; 5,027 na rito ang gumaling at 110 ang nasawi.