110% PAGTAAS SA KASO NG RABIES SA REHIYON UNO, NAITALA NG DOH-ILOCOS

Inihayag ng Department of Health – Center for Health Development Region 1 na tumaas ang kaso ng rabies sa Rehiyon Uno.
Base sa pinakahuling monitoring ng DOH-CHD1, naitala ang 21 kaso ng rabies kung saan ayon kay DOH-CHD-1 medical officer Dr. Rheuel Bobis, 10 ang naitala sa Ilocos Norte, dalawa (2) sa Ilocos Sur, tatlo (3) sa La Union, at anim (6) sa Pangasinan.
Dagdag pa ng opisyal na mula Enero 1 hanggang Setyembre 16 ngayong taon, 110 porsiyentong mas mataas kaysa sa 10 kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Inihayag pa nito na ang lahat ng naitalang kaso ay nagresulta sa pagkamatay ng mga nabiktima ng rabies.
Dahil dito, nanawagan ito sa mga may-ari ng alagang pusa at aso na responsibilidad ng mga ito na pabakunahan ang mga alagang hayop laban sa rabies taun-taon upang mapanatiling malayo sa sakit na rabies at upang mapanatili na ligtas ang malusog ang mga ito.
Sinabi pa ng opisyal na kadalasan nangyayari ang pagkagat sa mga tahanan at naglalaro kasama ang ng mga alagang hayop.
Samantala, inihayag naman ng Pangasinan Provincial Veterinary Office sa pangunguna ni officer-in-charge Arcely Robeniol puspusan ang kanilang ginagawang kampanya laban sa rabies kung saan nakapagbakuna na sila ng 129,628 alagang hayop laban sa rabies sa lalawigan mula Enero 1 hanggang Setyembre 28 ng libreng bakuna. | ifmnews
Facebook Comments