11,000 COVID-19 new cases per day, posibleng maitala sa katapusan ng Marso – OCTA

Posibleng pumalo sa 11,000 na bagong kaso ng COVID-19 ang maitala sa bansa kada araw pagsapit ng katapusan ng Marso.

Batay ito sa panibagong projection ng OCTA Research Group sakaling magtuloy-tuloy ang upward trend ng COVID-19.

Paliwanag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, lalo pang tumaas ang reproduction rate o bilang ng mga taong tinatamaan ng sakit na ngayon ay nasa 2.03 na.


Bukod sa Metro Manila, nakitaan din ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 ang mga kalapit nitong probinsya gaya ng Rizal, Cavite at Bulacan.

May bahagyang pagtaas din ng COVID-19 cases sa Cebu City.

Ayon kay David, kabilang sa dahilan ng muling pagsirit ng kaso ng COVID-19 ay ang pagtaas sa mobility ng mga tao at hindi pagsunod sa minimum health standards.

Samantala, sa kabila ng pagdami ng mga naa-admit na COVID-19 patients, tiniyak ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) na nananatiling ‘manageable’ ang pagtugon nila sa sitwasyon kaya wala pang dahilan para humingi sila ng ‘timeout’.

“Mukha pa naman pong manageable po, kaya pa naman siguro ng mga ospital at tsaka sa mga panahon pong ito na medyo tumataas, medyo mahirap namang gawin yun. Isa pa, ang mga doktor, nurses ng mga ospital, kumbaga e mas nagkaroon na ng experience ng pagma-manage kaya hindi nap o ganun kahirap katulad nung nag-umpisa yung pandemic,” saad ni PHAP President Dr. Jose Rene De Grano sa interview ng RMN Manila.

Facebook Comments