11,000 pulis, ipapakalat ng PNP sa pagbubukas ng klase sa August 29

Patuloy ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa August 29.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, 11,000 mga pulis ang kanilang ipakakalat sa pagbubukas ng klase sa buong bansa.

Ipupuwesto ang mga pulis sa mga police assistance desk malapit sa mga paaralan para magbantay ng seguridad.


Maliban pa yan sa mga pulis na nakatoka sa mobile at beat patrol.

Samantala, sinabi pa ni Fajardo na may atas na sa mga field commander na makipag-ugnayan sa mga paaralan.

Magkakaroon naman ng launching ng Oplan Balik Eskwela sa darating na Lunes, August 14, 2023.

Facebook Comments