111 na pulis, nadagdag sa bilang ng mga positibo sa COVID-19; isa pang pulis, nasawi rin VIdahil sa COD-19

Isa na namang pulis ang binawian ng buhay matapos na magkasakit ng COVID -19.

Kinilala ito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Debold Sinas na si PSSg. Edgardo DL Medrano, na nakatalaga sa Manila Police District (MPD).

Siya ay binawian ng buhay sa C.T. Reyes Hospital, Tanauan City, Batangas noong August 11, 2020 kung saan siya na-confine at sumailalim sa dialysis.


Si Medrabo ang pang 13 pulis na namatay dahil sa COVID-19.

Samantala, nadagdagan pa rin ang bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19 na ngayon ay umaabot na sa 2,732 na pulis.

Batay sa ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO), kahapon ay may panibagong 111 na mga pulis ang infected ng COVID-19.

43 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa NCRPO, 40 nakatalaga sa PRO4B, 12 sa PRO4A, tig-dalawa sa SAF at ACG.

Habang tig-iisang pulis nakatalaga sa PNP Engineering Service, Headquarters Service, CSG, AVSEG, Maritime group, PSPG, HPG, PRO7, PRO8, PRO9, PRO Cordillera at PRO BAR ang positibo sa COVID-19.

Pero magandang balita, dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 1,800 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 764 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,202 na pulis ang suspect case ng COVID-19.

Facebook Comments