112 na mga lugar, inilagay ng LGUs sa localized lockdown dahil sa COVID-19

Abot sa isang daan at labing-dalawang (112) mga lugar sa bansa ang inilagay ng mga lokal na pamahalaan sa localized lockdown alinsunod sa containment strategy ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, mula sa naturang bilang, 67 ay nasa Cordillera Autonomous Region (CAR); 18 sa National Capital Region (NCR), 19 sa Cebu City, tig-isa sa Cavite, Quezon Province, Leyte at lima sa Cagayan De Oro City.

Isinailalim sa localized lockdown ang pitong munisipalidad, 51 barangays, isang purok, isang subdivision, dalawang buildings at limang zones sa Mt. Province, probinsya ng Apayao, Kalinga, Ifugao, Abra, Benguet at Baguio City.


Nakatulong ang localized lockdown para mapabagal ng CAR ang COVID-19 cases.

Ngayon ay mayroon lang 109 confirmed cases sa CAR.

Sa NCR, isinailalim sa localized quarantine ang apat na lugar sa Quezon City; siyam sa Parañaque City; dalawa sa Caloocan City; tig-isa naman ang Muntinlupa City, Navotas City at Malabon City.

Sa Cebu City, mayroong 19 containment zones na kinabibilangan ng Sambag II, Punta Princesa, Tejero, sa Inayawan.

Itinalagang hotspots at nakalagay sa strict lockdown ang mga barangay ng Sambag II; Kamputhaw; Sambag 1; Basak San Nicola; Mabolo; Guadalupe; Lahug; Duljo Fatima; Tinago; Tisa; Ermita; at Tejero.

Aniya, kinakailangan sa paglipat sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang ganitong containment strategy.

Mas mabilis na makapagsasagawa ng calibrated response sa outbreak trajectory sa ilang lugar ang mga Local Government Unit (LGU).

Facebook Comments